Google

Wednesday, April 6, 2011

How did I come out to my parents

I'm gay.

Biglang umiyak si Nanay at ang kapatid ko.

Nang makita kong umiyak ang Nanay ko, bigla na ring tumulo ang luha ko. Mama's boy kasi ang kuya niyo, first time kong nakitang umiyak si Nanay ng ganun at parang dinudurog ang puso ko.


Ayaw ko ng magsinungaling pa sa inyo, kayo ng bahala kung tatanggapin niyo ako.

Bakit anak? sabi ng nanay ko.

Hindi ko rin alam. Alam ng Diyos kung paano ko pinigilan, All these years, pinilit ko talaga, pero hindi ako masaya.


Akala niyo ba masaya ako? Alam niyo ba kung gaano kalungkot ang buhay ko? Napakalungkot ng buhay ko, kung alam niyo lang ang pinagdadaanan ko. Ang hirap mag-isa doon. Minsan sinisi ko ang Diyos, kung bakit ako nagkaganito, kung bakit ako pa, sana nagkaroon na lang ako ng normal na pamumuhay.


Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Nanay at kapatid ko, pero si Tatay walang imik nakatingin lang siya sa akin.


Kaya nga lahat ginawa ko para maging proud kayo sa akin, kasi alam kong big dissapointment ito para sa inyo. Sorry... sorry po talaga.. habang patuloy akong humahagulhol


Okay lang sa akin kuya, sabi ng kapatid ko.


Kung saan ka masaya anak, magiging masaya na rin kami para sa iyo, sabi ng Tatay ko.

Hindi na ako nagulat sa reaksyon ni Tatay kasi alam kong open-minded siyang mag-isip.(at nasuhulan ko siya ng kotse. joke) Pero si Nanay parang gripo yung pag-agos ng luha niya.


Kung ganyan ang magiging buhay mo anak,natatakot akong tumanda kang mag-isa. Baka ipa-salvage ka o kaya perahan ka lang ng mga lalake.


Hala?! Ba't naman ipapa-salvage si kuya?

Oo nga naman ba't naman ako ipapa-salvage?

Bigla kaming natawang magkapatid sa banat ng nanay ko.


Nakakatakot naman ang mga iniisip niyo, masyado kayong advanced! sabi ng kapatid ko .

Nay, hindi niyo ako pinalaki para maging tanga....parang di niyo naman ako kilala...


May boyfriend ka na ba? sabi ulit ng Nanay ko.

Wala, pero bayaan niyo kung may magugustuhan man ako, pipili ako ng matino, yung mamahalin ako, yung aalagaan ako, yung hindi ako lolokohin, yung hindi ako peperahan gaya ng sinabi niyo at pwede kong ipakilala sa inyo, O sige na nga yung hindi rin ako ipapa-salvage


Sabay sabi ng Nanay ko sa kapatid ko ulit.. O, alagaan mo yung kuya mo, baka tumandang mag-isa yan! Dalawa na nga lang kayo...alam mo namang lahat binibigay sa yo ng kuya mo..


Oo naman, kahit di niyo sabihin yan, aalagaan ko si Kuya, sabay iyak yung kapatid ko. Umiyak ulit ako.

O masyado na tayong madrama, sabi ko.

Buti pa si Tatay, relax lang, parang wala lang... sabi ng kapatid ko.

Biglang bumanat si Tatay ng... Di ko man lang nahalata anak....

Biglang banat ulit yung kapatid ko.. naku 'Tay nagoyo tayo ni kuya, sayang ang magandang lahi!

Akala ko pa naman magpapakasal ka na.. sabi ulit ng Nanay ko, ngumiti lang ako sa kanya.

Buti na lang di ako nag-out sa resto kanina kundi agaw eksena tayong lahat..

Oo nga kuya, ang drama pa naman ni Nanay, siya na ang best actress!

Naku baka di siya makapag drama dun kasi maraming tao..
sabay tawa kaming magkapatid ulit.


Don't worry, I'll be okay, tumayo ako at isa-isa ko silang niyakap.

O. okay na tayo ah?! Wala ng drama? Wala namang nagbabago, ako pa rin yung anak niyo at least alam niyo na ngayon.


Okay na ba kayo Nay?

Okay na ako anak, salamat sa lahat ng ginawa mo sa amin, basta kahit anong mangyari proud ako sayo at mahal na mahal ka namin.

Uy, pero mamaya magda drama na naman yan... biro ko.



Siguro, naging madali na lang sa akin na sabihin sa kanila dahil natanggap ko na sa sarili ko na ganito talaga ako. Pero, meron pa rin akong konting duda kung tama ba talaga ang ginawa ko, magiging okay ba talaga ako?

Sa ngayon hindi ko pa alam ang sagot pero alam kong magaan sa pakiramdam ang pagsasabi ng totoo.

19 comments:

Désolé Boy said...

I salute you sir!!
.
.
Nakaka-iyak kasi umiyak ang mother mo hindi dahil sa hindi niya matanggap ang sekswalidad mo kundi dahil nag-aalala siya para sa 'yo, which I believe is the case for all mothers.
.
.
Good luck!

John said...

Masubukan nga sa nanay ko...

kalansaycollector said...

"Kung ganyan ang magiging buhay mo anak,natatakot akong tumanda kang mag-isa."

nakakaiyak ang line na ito. hindi ko lang kinaya yung banat sa pagpapasalvage. haha.

Spiral Prince said...

I'm happy for you sir Coldie. :)

I hope you find your happiness, too!

gibo said...

hayaan mo coldie, di kita ipapasalvage.. :P

ang cute ng reaksyon ng nanay mo. pero may tama pa rin. nakakatakot tumanda ng mag-isa.

sana pag nagkalakas ng loob akong gawin yung ginawa mo ay ganun din sila magreact. although i doubt magiging ganun kaopen ang tatay ko.

Marcus:) said...

Wow! Two thumbs up!

:)

maddeningcrowd said...

Si Tatay kaya umiyak din nung hindi mo na kaharap? Hmmm...

Hay. Buti ka pa. Hehe.

No one knows if we'll be ok, un nga ang exciting dun eh. Just enjoy the ride. Marami kang kasabay, don't forget that. ;-)

Smo said...

Coldie, muntik na akong humagulgol sa kakaiyak pero wala pa ring kamatayan ang pagbibiro mo kahit sa ganung sitwasyon kaya imbes na humagulgol ako, natawa na lang ako. Ang cool pala ng tatay mo. Kung ako din naman kapatid mo at may kuya akong kagaya mo di ko rin magagawang iwan ka! Haha. Hanep din ng nanay mo ah, salvage kaagad naisip. LOL.

I am so happy for you Coldie. I just wish you peace of mind and happiness. Don't worry I will pray for you. :)

Kryptonite User said...

First things first, hats off to you dude for taking the horns by the bull and for bravely coming out to your family. That act of courage will forever define your character and hopefully the universe will just as warmly receive your other acts of integrity. But you were asking, "...magiging okay ba talaga ako?" Well wala namang guarantee in life that everything will be a bed of roses. Life will always be a struggle and life will always throw a curve ball at us. But delight in the fact that whatever happens... your sense of humor and your loving family will always be there to save the day. I wish you all the best mhen!

kotsengkuba said...

saludo ako sa tatay mo. pero syempre sa nanay mo din pero dahil common na sa mga nanay ang maging understanding kaya sa tatay mo ako mas saludo.

inis din ako dun sa mga tatay na nambubugbog ng bading na anak pero in the end, bading din pala. hahaha!

pero ikaw, siguradong-sigurado ka na ba na lalake nga ang gusto mo :P

Anonymous said...

Naiyak ako.. Huhu. You are so brave kuya.

Coldman said...

I appreciate all your comments, thank you guys!

Anonymous said...

you're photos in this site are familiar. you look like a friend of mine whose now based in the US.

Coldman said...

to anonymous: sorry, kailangan kong i-delete yung isang comment mo since nilagay mo yung pangalan ko and no need to deny it since out naman na ako sa magulang ko. Malakas ang kutob kung kaibigan rin kita sa facebook, isang hiling lang, I still want to be anonymous at sana hindi kumalat yung blog ko sa mga mutual friends natin. Sana mapagbigayan mo ako. Salamat kaibigan. =)

karenkarenkaren said...

you did the right thing. (; as they always say, the truth sets us free. (;

new here! i dare to follow.. check out my blog too and see if you like what you see.. thanks.. (;

loudcloud said...

wow! tagal ko nawala sa blogosphere, pagbalik ko eto sumalubong.

i admire you more coldie!

palma tayona said...

Hmmm... medyo madrama na pa-kenkoy. Sa tagal ko nang di nakakapag-blog at nagbabasa ng blog ng iba eh heto ang tumambad. Hmmm, well... nawa'y lumawig pa ang buhay mo nang matiwasay at puno ng ligaya, sampu ng iyong mga mahal sa buhay. Ipagbunyi ang iyong desisyon at paglahad ng isa sa mga pinaka-fundamental na aspeto ng iyong pagkatao sa iyong mga tunay na mahal sa buhay. Pagpalain ka ni Bathala.

Hinggil dun sa iyong isang 'kaibigan' na naglahad ng tunay mong pangalan sa isang komentrayo (at isang paalala na rin para sa lahat) ay heto lang masasabi ko, "Wala naman sanang basagan ng trip". 'Ika nga ni Kurt Hummel sa Glee, "I don't believe in outing anyone but I also do believe that one has to come out - in his or her own time." (Tama ba pag-quote ko)

palma tayona said...

Hmmm... medyo madrama na pa-kenkoy. Sa tagal ko nang di nakakapag-blog at nagbabasa ng blog ng iba eh heto ang tumambad. Hmmm, well... nawa'y lumawig pa ang buhay mo nang matiwasay at puno ng ligaya, sampu ng iyong mga mahal sa buhay. Ipagbunyi ang iyong desisyon at paglahad ng isa sa mga pinaka-fundamental na aspeto ng iyong pagkatao sa iyong mga tunay na mahal sa buhay. Pagpalain ka ni Bathala.

Hinggil dun sa iyong isang 'kaibigan' na naglahad ng tunay mong pangalan sa isang komentrayo (at isang paalala na rin para sa lahat) ay heto lang masasabi ko, "Wala naman sanang basagan ng trip". 'Ika nga ni Kurt Hummel sa Glee, "I don't believe in outing anyone but I also do believe that one has to come out - in his or her own time." (Tama ba pag-quote ko)

Anonymous said...

Smo says...

Coldie~ Namimiss na kita... Miss na miss ko na posts mo!!!