Location: Marriott Hotel, RW Manila Room 506
Date: Jan 20, 2011, 2 hours before leaving Manila
Sa totoo lang,wala talaga akong planong mag-out sa magulang ko kasi hindi ko maamin sa sarili ko na ganito ako. Ni hindi ko nga mabangggit ang salitang "bakla" kasi nandidiri akong bigkasin yun. Gusto kong magkapamilya at magka-anak. Bago ako pumunta dito sa US, buo sa loob ko na baguhin ang buhay ko. Maghanap ulit ng girlfriend, magpakasal at magbuo ng pamilya. Pero hindi nangyari yun kasi alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Habang patanda ako ng patanda, parang sumisikip ang mundo ko.
Hanggang sa matanggap ko na rin sa sarili ko na ganito talaga ako, paikot- ikutin ko man ang mundo, ilang beses ko mang labanan, alam ko sa sarili ko na lalake ang gusto ko. Tama na ang pagpapanggap. Tama na ang pagkukunwari. Tigilan na ang kasinungalingan.
Ilang beses ko itong pinag-isipan,magiging masaya ba ako sa gagawin ko? matatanggap ba nila ako? ano na ang mangyayari sa buhay ko? magtatago na lang ba ako lagi? handa ba akong makarinig ng mga pangungutya sa mga tao? ano na lang sasabihin ng mga kamag-anak ko? ng mga kaibigan ko? tatanda ba ako mag-isa?
Basta ang dami kong tanong. Hanggang dumating ang araw na wala na akong pakialam. Parang naging manhid na ako. Buhay ko ito. Ayaw ko ng mabuhay na iniisip kung anong sasabihin ng iba. Hindi nila ako pinapakain, hindi nila ako binubuhay. Hindi na ako magpapa-apekto sa kanila. Wala akong sinasaktan at alam kong di ako masamang tao. Maiksi lang ang pakikipagsapalaran natin sa mundo at ayokong punuin ito ng kasinungalingan.
Sawa na ako.
Ayaw ko ng magtago.
Ayaw ko ng isakripisyo ang kaligayahan ko.
Wala na akong pakialam.
Bago pa ako umuwi ng Pilipinas, naisip ko ng mag-out sa magulang ko. Kung tatanungin nila kung bakit di pa ako ako nag-aasawa, di na ako magsisinungaling. Aamin na ako. Nakapagtataka, sa halos tatlo't kalahating linggong bakasyon ko, hindi man lang nila ako tinanong tungkol doon. Alam kasi nilang "inis" ako pag yun lagi ang pinag-uusapan, mabuti na ring hindi naungkat baka masira ang buong bakasyon namin.
Hindi ko alam kung anong nakain ko sa araw na yun pero alam kung buo na ang loob ko para sabihin sa kanila ang totoo. Sabi ko sa sarli ko, kung hindi ko masasabi sa kanila ngayon, kailan pa? Mahal na mahal ko sila at ayaw kong nagsisinungaling sa kanila. Pero alam kung magiging pasakit ito para sa magulang ko, parang iiwan ko silang sobrang lungkot- una, paalis na naman ako, pangalawa, ang pag-amin ko.
Nasa kabilang kama si Tatay at Nanay abalang nanood sa isang cooking show sa TV, si bunsong kapatid naman nasa isang kama hawak ang laptop. Ako nakaupo lang, malapit sa bintana naghihintay ng magandang tiyempo.
Isang malaking buntong hininga.
May sasabihin akong importante sa inyo, sabay tingin sila sa akin.
I'm gay.
Biglang umiyak si Nanay at ang kapatid ko.
Itutuloy...
Thursday, March 24, 2011
How did I come out to my parents
Posted by
Coldman
at
8:58 PM
Labels: coming out, personal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
Naku, you came out on my birthday! But I'm happy for you, Sir Coldie. :) Wala ka nang mabigat na dinadala sa dibdib mo. :)
ano ba yan tol, pinaiyak mo ko...
tyempo sa last post ko...kaso ako naman ibang landas ang gusto kong tahakin...
dati rati kc di ko man lang maisip ang pagpapaksala, ngayon biglang bigla, buong puso kong narealize na ito na ang gusto kong gawin sabuhay ko.
i really admire you for what you did! di madali yun! i know it's gonna cause heartaches for your family but they will soon be able to accept it!mahal ka nila kaya maiintindihan ka nila.
and ikaw nman, i'm sure maluwag na talaga dibdib mo!
good luck sa yo tol!
this is one of the best examples how manly gays are...
they can face the toughest situations and their greatest fears....
hay congrats coldie... at least less burden...
awww. sana meron akong lakas ng loob na gawin yang ginawa mo.
ang tapang mo coldie. hanga ako sa'yo.
aabangan ko ang karugtong ng kwento mo. :)
Naku sayang andyan lang ako sa Resort World nung mga panahon na iyon. Ako naman ang umiiyak kasi nilulustay naman ng nanay ko lahat ng ari-arian namin. hahaha! Question lang po. Were your recent travels to boracay, macau and korea before or after you came out? Was a part of your sadness in Korea due to your family’s reaction to your coming out? Ooops sorry! Singular question lang pala hiningi ko. Hehehe! Maybe I should just wait for the next post. Meantime, maybe you should change your name from coldie to hottie. And sige wala ng bawian. ; )
Awwwww. Coldie!!! Ikaw na, ikaw na talaga!!! So anong feeling? Mas gumaan ba o may pagsisisi? Sana naman wala diba? Para happy lang.
I salute you Coldie for being so brave! Kahit may takot ka na nararamdaman talagang tinuloy mo at nagpakatotoo ka.
(ang hilig mo talagang mambitin ha?)
mahigit kalahating dekada ko ng sinusundan ang blog mo. Hindi lang dahil sa mga nakakaaliw na larawan na iyong ipinapaskil o sa iyong paminsan minsan na kakulitan. Ngunit dahil madalas, makukuha ko ang konsepto ng iyong sinusulat, nararating ko ang iyong mga pinaghuhugutan. Good luck coldie, tama yang ginawa mo. Tanggapin at mabuhay sa katotohanan. Katumbas nito ay kalayaan sa kulungan na tayo mismo ang naglagay sa ating sarili.
Wow. I was just reading Soltero's blog, opposite directions. That was brave.
Finally! :) *Hugs*
I wish I'd be able to have the balls to do that.
that is a lot of courage....good luck on your refreshed life. :) i hope magawa ko rin...
(oops! i have yet to read the sequel to this post.)
tagal naman nung susunod im so excited!
I'm genuinely happy for you, my friend. I wish I had your courage to 'out' to my mom before she passed away. My brother later told me that our mom knew. Siguro kahit hindi sabihin sa mga ina, alam nila. Pero mas mabuti na sa atin manggagaling. Mas masarap sa pakiramdam na malamang tanggap nila tayo. Sa umpisa lang mahirap. Tama ka, maiksi lang ang buhay sa mundo para sayangin at mabuhay sa kasinungalingan. Mabuhay ka Coldie! :)
-JoyJoy
shit! crush pa naman kita.. hehe! andun pa ko sa luma kong blog finofollow na kita. i admire your courage to tell your parents the truth. I know they'll understand. feeling close lang.. hehe! sayang.. sayang ang lahi.. papalahi pa naman ako sau. toinks! =p
Post a Comment