Google

Tuesday, December 21, 2010

Here we go again

Got this message from her last night



Alam kong mahal pa rin niya ako hanggang ngayon. Siya ang last girlfriend ko bago ako pumunta dito sa US. Kung tutuusin, wala na akong hahanapin pa sa kanya- Atenista, Maganda, Mayaman at Mabait. Jackpot talaga ako sa kanya. I was a proud boyfriend. We are the perfect couple sabi nga ng mga kaibigan namin, kaya lang.. alam niyo na ang dahilan.

Single pa rin siya. Single pa rin ako. Alam kong may plano siyang mag-migrate dito sa US.

Ang gulo na naman ng isip ko ngayon.

Should I see her?

*Sigh*

Read More......

Friday, December 17, 2010

Pagbabalik

Alas- kuwatro na ng madaling araw, pero di pa rin ako makatulog. Alam ko kung bakit. Excited ang kuya niyo. Pagkatapos ng mahabang taon, sa wakas uuwi na ako.

Na- miss ko ang

1. Ang luto ng Nanay ko
2. Ang luto ng Tatay ko
3. Kakulitan ng kapatid ko
4. Ang kuwarto ko
5. Ang simoy ng sariwang hangin sa probinsiya
6. Gimik ng mga kaibigan ko
7. Mall
8. Traffic
9. Palabok sa Jollibee
10. Init ng panahon
11. Ingay ng madaming tao
12. Madaming tao sa MRT
13. Basta madaming tao pa rin

wala na akong maiisip. I'm brain dead, 4:30 am na e.

Basta, I'll be home for Christmas! At least mainit ang Pasko ko ngayon.

Merry Christmas Everyone!

Read More......

Monday, December 6, 2010

The Untold Story of Coldman

Unang bahagi

Laki ako sa hirap.

Kung tutuusin, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung di ko babalikan ang mga pinagdaanan ko na nagbigay sa akin ng lakas ng loob para magsumikap sa buhay.

Parehong magulang ko ang di nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtanan kasi sila. Ang Tatay, umeextra lang sa pagsasaka sa bukid at ang Nanay, nagtitinda ng gulay sa palengke. Iniiwan lang ako sa kapitbahay namin para bantayan pag sila ay naghahanap-buhay. Naalala ko noong bata pa ako, sinabihan ako ng kalaro ko na hipan lang daw yung bahay namin, matutumba na. Oo, ganun kami kahirap. At naiingit ako sa kanya, dahil hotdog at pork chop ang ulam nila, ni hindi ko man lang yung natikman kahit birthday ko noong bata pa ako. Ang laruan niya ay robot, samantalang ako nakuntento na ako sa dahon ng saging na ginawa kong elise. Masaya na ako kung may ulam kaming isda at gulay, pero minsan balik sa toyo at kanin lang ang nasa mesa.

Noong pagpasok ko sa elementarya, kailangan kong mag-tinda ng ice candy para makatulong at magkaroon ng baon. Grade 2 hanggang Grade 6 kong ginawa yun. Ang pinaka di ko makakalimutan na nangyari sa akin ay noong nasagi ako ng bisekleta at tumilapon ang tinda kong ice candy sa kalye. Tumulo talaga ang luha ko habang pinupulot kong isa-isa ang mga ito, naiiyak ako kasi iaawas yun sa pagbebentahan ko. Ang pinakamasakit sa lahat wala man lang tumulong sa akin para pulutin ang mga ito.Humihikbi-hikbi pa ako habang naglalakad hawak ang ice box pauwi sa bahay. Awang-awa ako sa sarili ko ng mga panahong yun.

Nagsimula akong magbenta ng balut sa gabi, noong high school. Pati pagbebenta ng barbecue at samalamig tuwing piyesta sa amin,ginawa ko rin para makatulong. Naalala ko dati, uso ang mga pasayawan sa probinsiya, halos lahat ng kaklase mo ay nandoon at nakikipagsayawan, samantalang ikaw nandoon sa sulok at nagtitinda ng balut at mani. Si Miss Piggy, ang kaklase kong di ko makakalimutan, habang nasa PE class kami, tinanong ako ng kaklase ko kung bakit di daw ako bumili ng bagong sapatos. Butas na kasi ang swelas ng sapatos ko pero sinusuot ko pa rin, at sumagot naman si Miss Piggy "mahirap lang kasi sila" sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Tinitigan ko lang siya, pero nanliit ako sa sinabi niya. Tumatak talaga sa isip ko yung katagang yun. Pero mabait pa rin ang Diyos, kahit salat kami sa pera, biniyaaan niya ako ng talino.

Sabi ko sa sarili ko, paglaki ko hindi ako maghihirap.

Hinding-hindi ako maghihirap.




Itutuloy......


Some are destined to succeed, some are determined to succeed
-H. H. Swami Tejomayananda

Read More......