Hanapin at saksakin natin si Coldman!
Matagal- tagal na rin ako dito sa blogging world, at ito ang mga napansin ng sobrang manhid ngunit napakabait na si Coldman.
1. Mahirap magcomment lalo na kung di mo alam ang iko-comment mo.
2. Aminin nating, nakakatamad magbasa ng mahabang post, lalo na kung ingles ( Unless, interasado ka talaga or magaling magsulat 'tong blogger na ito) Napansin ko yun kasi pag ingles mga post ko at mahaba, walang masyadong nagko-comment, kaya ito puro kagaguhan na lang.
3. Syempre, masaya ka pag may nagko-comment sa blog mo, dahil feeling mo may nagbabasa . Ang lesson dito mag comment ka rin sa blog nila. (do the same favor, para masaya, wag makasarili) Masarap kayang magbasa ng comments- minsan mas aliw pang magbasa ng comments ng iba kesa sa post mo.
4.Nauubasan rin tayo ng idea kung anong isusulat, mahirap yatang mag-isip. (lalo ng kung busy-busyhan ka) . Kaya minsan, walang kwenta mga post natin. (Karaniwang post ko dito yun!)
5. Ex-link? Pamatay. Aminin nating di lahat ng nasa link natin binabasa natin. At least isa dun di mo binibisita o kaya madalang mong bisitahin dahil di ka nag-eenjoy sa mga post nya. In short, boring para sayo.
6.Bumisita sa mga ibang blog at magparamdam, para naman may new friends. In short, promote your blog. Mga pamatay na entrada para may masabi lang: nice blog! napadaan, bloghopping! was here! ex link? etc....
7. Minsan naiinis ka, nagcomment ka sa blog niya at di man lang nag- reply. Dahil mainitin ang ulo mo, di ka na ulit babalik sa blog nya at sasabihing " ang yabang naman nito! "
8. May time na yung mga dating nagkocomment sa yo ay bigla na lang nawawala, eto lang ang explanation dyan:
a. Di ka na kasi dumadaan or nagkocomment sa blog nila, In short: gantihan/ revenge
b. Feeling nila, mayabang ka.
c. Walang kwenta post mo. Boring.
d. Di ka na nila trip. Period.
9. Nag-iwan ka ng walang kakwenta-kwentang comment para masabing nakapag-comment lang. (At least ang importante nagcomment ka, pwede na yun)
10. Lagi mong binibisita ang tingin mong crush mong blogger! Hahaha!
Sana'y walang napikon o nasaktan sa mga sinabi ko, kung meron man, sorry naman! Tao lang. Alam ko rin namang napansin nyo rin ito.
Ang importante sa lahat ay Blog mo 'to. Malaya kang magsulat kung anong gusto mo. Kung ayaw nila sa blog mo, wala ka ng magagawa dun!
Syet, baka mabawasan mga prens ko dahil sa lecheng post na ito. Wag naman sana. Maawa po kayo. Peace! =)
Ex-link na tayo?
Read More......