Google

Monday, November 10, 2008

Bunso

2006
Bunso: Kuya malapit na birthday ko!
Coldman: Ako na bibili ng cellphone mo.

2007
Bunso: Kuya malapit na birthday ko!
Coldman: Pa-brace na lang natin yung ngipin mo.

2008
Bunso: Kuya malapit na birthday ko!
Coldman: ( Kinutuban) Oo nga, 18 ka na ngayon... Ano gusto mong regalo?
Bunso: Wag na kuya....
Coldman: Owwss?!
Bunso: Love mo naman ako di ba?
Coldman: Okay, alam ko namang gusto mong mag debut...
Bunso: Love you Kuya!

Hirap pala pag-nagiisa ang kapatid mo, nagiging mabait ka.
Sulat mula kay Kuya

Bunso,

Ang bilis ng panahon di ko namamalayan dalaga ka na pala. Parang kailan lang tinuturaan pa kitang maglakad at nakikipaglaro pa ako ng taguan. Alam mo bang napakasaya ko ng dumating ka, matagal kasi kaming naghintay.

Naaalala ko pa tuwing nagpapaturo ka sa akin, lagi kong pinipitik ang daliri mo pag di mo naintindihan at bigla ka na lang iiyak, sorry medyo masungit ako pero bumabawi naman ako kaagad. Alam mo namang nabago ko na ang pagiging masungit ko noon, lagi ng naka- smile ang kuya ngayon.

Matagal na rin kitang di nakikita pero alam mo namang nandito lang ako, kaya nga lagi kitang tinatawagan. Alam mo bang nagtampo ako, noong sinabi mong may boyfriend ka na? Di ko alam pero nalungkot ako, ganun pala yun. Hindi ko naisip na dalaga ka na at marami ng nanliligaw sa yo.

Ganunpaman, salamat at di ka naglihim sa akin at salamat at di mo pinapabayaan ang pag-aaral mo. At sana wag mong kalimutan ang mga payo ko sa yo. Kung minsan man nagagalit ako, alam mo namang para sa kabutihan mo rin yun.

Sayang at wala ako diyan ngayon para man lang maisayaw ka sa importanteng araw mo. Kung proud ka kay kuya, mas proud ang kuya sa yo.

Andito lang lagi ako para sa yo.

O siya, baka maiyak pa ako.

Happy birthday bunso!

Mahal na mahal ka ng Kuya.

45 comments:

The Gasoline Dude said...

Naks! Ang yaman! Siya sasagot ng debut ni Bunso. *LOLz*

ced said...

wow! ang bait naman ni kuya!
ang swerte naman ng kapatid mo.
anu bang number nyan kuya? pwede bang maging escort nya? hehe

nga pla kuya nawala cp ko! thanks kuya=p

gillboard said...

awww.. ang sweet...

ang sarap siguro maging kuya. hehehe

JedMeister said...

gawsh!

prang nafo-foresee ko na ang magiging lyf ko for the next 8 years dahil sa post mo...

kuya din kasi ako... ehehe

hmm.. makaipon na nga para sa walang-kuwentang debut ng kapatid ko... hekhek!

White said...

so bait na kuya. :) sweet...hehe

wandering tsinelas said...

hay. bat ganun? bunso din naman ako pero di ko naranasan yan sa mga kuya ko. hahahaha!

gusto ko din kasing mag-debut. Jowk!!! hehehe!

domjullian said...

buti ka pa may younger sibling, ako wala, kaya walang tumatawag sakin na kuya (hindi counted yung mga bata ba kapitbahay namin).

KRIS JASPER said...

Kuya, malapit na rin bday ko! Lol.

Parang naka relate ako sa open letter mo.. Miss ko na rin sis ko!
Waaaah!

wanderingcommuter said...

ganitong ganito ako sa babae kong kapatid... at tingin ko may possesive din na kuya kapag may nanligaw na sa bunsong kapatid.. hehehe

coach said...

ang sweet naman ni kuya :)

carlotta said...

nakanaman ang sweet talaga ni kuya! =)

happy birthday sa sis mo!

coldman said...

@ gasdude: marami lang blessings ngayon. =)

@ ced: sayang, may escort na siya e. para naman akong sugar daddy nyan. lol!

coldman said...

@ gillboard: masarap maging kuya pero gusto ko ring may kuya o ate ako. =(

@ jedmiester: pag mabait naman ang kapatid mo, sulit lang gumastos. =)

coldman said...

@ white: sweet talaga ako, yun nga lang...... lol!

@ bob: hahaha! gusto mo palang mag debut? bat di mo sinabi sa kin? dyuk. =)

coldman said...

@ domjullian: minsan, parang mas masarap maging bunso. =)

@ krisjasper: kala ko bunso ka. =)

coldman said...

@ WC: sigurado akong malulungkot ka pag nagka boyfriend na ang kapatid mo, pero ganun talaga e...=)

@ coach: uy! nabuhay ka? tagal mong nawala.=)

@ carlotta: salamat ate. =)

Abou said...

buti ka pa isa lang kapatid mong nag kukuya sau. ako kuya ng siyam na kapatid waaa

ha ha ha no complains

jericho said...

kuya! malapit na rin debut ko. haaay, simula naging 30 ako .. nun lang may tumawag sa akin ng kuya. before that, ate. chos!

gillboard said...

at least may kapatid ka... =(

teresa/churvah said...

kuya,lapit na rin birthday ko.hahaha!

hansweet naman.

the nomad said...

kuya, tapos na birthday ko. pero pwede ka pa humabol. 3 nakangiting mukha ni benjamin franklin, pwede na kuya.

tenchu. haha. bait na kuya ah.

kalansaycollector said...

aw.

sana kuya rin kita. hehe. bday ko mamaya kuya!

Sexymoi said...

ayyy ang sweet naman ni kuya... 8 years gap namin ng kuya ko at ngayon lang siya nag papa ka protective hahaha kung kelan di kami masyado nag kikita.

harmonie said...

ang sweet naman ni kuya...sana bunsoy na lang ako:=)

FerBert said...

muntikan akong maluha..

kahit nakakasar minsan ang bunsong kapatid sa bandang huli umiiral pa rin ang pagiging kuya.

kung naging kuya kita siguro hihilingin ko sa bday ko isang playboy playmate na mukhang inosente.. *woot*

GODDESS said...

ang sweet naman!! kainggit si bunso. sana kuya din kita =)

are you back in colorado?

miss you mr. sexy back!

E said...

sweet :-) sana may utol ako na gaya mo...

coldman said...

@ abou: gusto ko madami kapatid ko, masaya yun! =)

@ jericho: sige na nga ate na rin tawag ko sa yo. dyuk. =)

coldman said...

@ gillboard: solong anak ka?

@ teresa: uy! kailan bday mo?

coldman said...

@ the nomad: tagal mong nawala ah? pag uwi ko na lang, treat kita sa jollibee! yey!

@ KC: aba, daming may bday ngayon ah? =)

coldman said...

@ sexymoi: ako rin sana may kuya o ate din ako. =(

@ harmonie: mahirap ding maging panganay. =)

coldman said...

@ efbee: ang hirap naman ng kahilingan mo, ako nga di ko makaya yun e! lol!


@ goddess: i'm back, ba't wala ka ng update sa blog mo?

@ e: balahura din ako. lol! salamat sa pagdaan. =)

ced said...

pwede naman siguro 2 escort? hehehe! i[agpilitan ba naman talaga?
hehe

nga pla kuya pwede na yung 3310 basta galing sayo!

basta ba nakabox pa e! hehheh

White said...

Sakn kuya ung sapatos ha...wag mong kalimutan. :) basta galing sau kahit 2nd hand na hi hi

Coldman said...

@ ced: hahaha! wala ng box yun e.

@ white: pwede ba pag umuwi na lang ako? para personalize ang pagbigay! dyuk. =)

gillboard said...

yep... solong tagapagmana. hahaha

joke

I'M BLUE said...

ang bait ni kuya. :)

nalungkot daw ako sa post mo. :(

yoshke said...

At tama yung unang comment, yun din yung una kong reaksyon. Ang yaman yaman mo. hahaha.

ANg heartfelt naman nung letter na yun. Eeeeh.

Ako ang bunso sa 'min! Lucky me. haha. spoiled.

r-yo said...

hu hu hu. bat kaya ako naiyak. :-) basta, na emo lang ako dahil sa madamdaming sulat mo.

coldman said...

@ gillboard: lucky you! dyuk. =)

@ blue: salamat, wag ng malungkot. salamt sa pagdaan. =)

coldman said...

@ yoshke: parang sarap ngang maging bunso! swerte ka nga. =)

@ attorney: di naman malungkot yung sulat ko ah?! smile na lang tayong lahat.

Curbside Puppet said...

awwww, ang sweet!

Dakilang Tambay said...

happy birthday! :)

Anonymous said...

Ang sweet mo naman. Di ako ganyan sa younger sis ko. Hehe... pero parang mas masarap nga kung ikaw yung may kuya o ate.

Coldman said...

@ curbside puppet: sweet! =)

@ mia: uy, nagparamdam siya. salamat. =)

@ anonymous: salamat sa pagdaan. =)