Matagal- tagal na rin akong di nakakapang-alaska kaya ibabalik ko ang dating si Coldman.
Ang mga pangalang ito ay sa tingin kong kakaiba o di masyadong kagandahan sa aking pandinig. At kung magkaka- anak man ako, sisiguraduhin kong hindi ito magiging pangalan nila. Malay ko, baka kilala niyo rin sila. Pasintabi na lang.
Ooops! Bawal ang pikon dito!
1. Jobert - pangalan pa lang pangit na, naaalala ko si Jobert Sucaldito. Please lang pagnagka- anak kayo wag niyong pangalanang Jobert, baka maging kamukha pa niya. Lol!
2.Bogart- parang pangalan ng ibon o kaya ng guard!
3. Gaylord- kala ko sa Meet the Parents ko lang 'to maririnig, hindi pala ito urban legend.
Ursula(pangit na pangalan din): Coldman si Ge.....
Coldman: Nice to meet you Ge!
After 2 days (feeling close kaagad ako)
Coldman: Ano ba real name mo? Gerald?!
Ge: Hindi. Wag na...
Coldman: Curious lang ako...
Ge: Wag kang tatawa?
Coldman: Oo naman, ba't naman ako tatawa?!
Ge: Gaylord
Coldman: As in Gaylord Focker? Seryoso?!
Ge: Oo nga, kakabadtrip ang tatay ko!
Sabay tawa! Asar-talo tuloy sa akin.
Sorry pare, nadamay ka pa dito kita kits ulit sa Jersey!
( Fact: nagpalit siya ng pangalan dito- Simon na siya ngayon)
4. Charlotte and Georgette- wala lang, di ko trip! kayo trip niyo ba 'tong pangalang 'to?
5. Adonis - pang call boy! sabi ng isang friend kong babae, nakakadiri raw yung pangalan na 'to!
6. Jograd - eeeeewwwwww!
7.Donabelle, Babynette, Honeylette, Shenaleen- syet, ang jologs!
8.Divine Grace - yung Grace okay pa e, o kaya Divine pero pag pinagsama mo parang masyadong holy. E paano kung lumaking kriminal 'tong batang ito?!
9. Ederlyn- kawawa ka naman. At least sikat ka!
10. Honey Lemon- feeling ko ginawang katawa-tawa yung name ng anak ng isang kaibigan ko. Ano tingin nila sa anak nila- flavor ng candy?!
11.Conchita, Perlita, Charito, Barbara- parang ewan! pag pinangalan mo sa baby mo' to- iiyak ng iiyak "Patahanin mo nga si Barbara!" Lol!
12. Baby Girl and Sonny Boy- ang sagwa! lalo na matanda na sila. (Sorry po Tita) Kasi naman ang tawag ko sa kanya Tita Baby, e nasa edad 5o na siya. (sorry po ulit) guilty?! Hahaha!
13. Vangie , Menggay and Chona - para walang ka-class class! Hahaha!
14. Angel- actually maganda siyang pangalan, pero pag lalaki ka at Angel ang pangalan mo, parang.......ano ba yun!
15.Walter and Bernardo- parang bagay lang 'to sa matatanda.
16. Charity, Chastity, Faith, Hope- pangalan ng mga anak ng kapitbahay namin dati! San ka pa?!
17.Sweet Apple - napamura talaga ako nung narinig ko yung pangalan niya....yung Apple matatanggap ko pa e, pero Sweet Apple? sobra na yun! Sabi ng kaibigan ko " Wow! ang sarap naman niyang kagatin!"
18. King Apple- isa pa to! lalaki pa naman siya! Ano ba yun! Hari ng mansanas! Proud ako sa magulang nito! Da best! Hahaha!
19. Busilak- unique! pwede mo na rin isama si Makisig, Mayumi at Marikit!
20.Starboy- pinaka-jologs na narinig kong pangalan!
Coldman: Uy! Starboy musta na?
Starboy: Pare, wag mo nga akong tawaging Starboy! Bob.....bob... ang itawag niyo sa kin!
Coldman: Sorry, Starboy Bob!
Hahaha!
Sorry dude!
21. Bruno- eeeeewwwww ulit! Hahaha!
22.Jhunalyn- kaklase ko nung college, parang ka-level si Ederlyn!
23.Cleotilde at Luzviminda- kaklase ko nung high school! Sinakop na ng pangalan niya ang buong Pilipinas!
24. Heman- noong unang dinig ko 'to, kala ko nagbibiro lang siya, tapos sabay hirit ng isa kong kabarkada, " So, pangalan ng kapatid mo Sheira?! Laugh trip! Hahahaha!
25. Axel Rose, Roger Moore - kaklase ko rin noong college. Di naman fanatic mga magulang nila?!
26. Christituto at Apolinario - ba't niyo binigyan ng ganyang pangalan ang anak niyo?
27. Mlhen- putragis! ang hirap bigkasin!
28.Olga- kaibigan ko 'to pero di ko trip talaga pangalan niya. Pero pretty siya. Sorry! kita kits sa LA!
29. Her Majesty- anak ng tokwa! paano pag lumaking katulong yung bata?! "Her Majesty ipagtimpla mo nga ako ng kape!" "Bilisan mo!"
30. Arhnhel- putik! estudyante ko dati sa Review Center, naubos ang hininga ko sa pangalan niya! Isama mo na rin dyan si Mhykhel, Jhun, Mhel, Vhong, Jhay, Abhie, Jhimmy, Jho, Jhen, Mhae. Putsa ano bang meron sa letter "H" at parang kalat na kalat 'to? Sosyal ba siyang pakinggan? Haaaaanephhhhhh! Lol!
Next time, apelyido naman ang pagiinitan ko na pinangungunahan ng mga "Di"
Dimayakyak
Dimasupil
Dimaano
Dimagiba and so on.............
Ito'y katuwaan lang naman, malas mo lang pag nabanggit ko pangalan mo dyan! Peace! =)
Pag nalaman niyo tunay na pangalan ko, baka pagtawan niyo din ako! Hahaha! Dyuk!
May kakilala ba kayong di niyo gusto ang pangalan?
P.S: May isang blogger din pala na kakaiba ang pangalan sa pandinig ko, pero di ko na sasabihin kung sino yun UNLESS pilitin niyo ako. Sige na pilitin niyo ako! Lol!
Putik! Nagbabalik na ang orig na Alaskador! Humanda kayo! (dyuk lang)
Friday, July 11, 2008
Anong pangalan mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
64 comments:
buwahahahahaha.
nag-tumbling ako sa post mo.
@ kawadjan: Hahaha!ang bilis mo, kakaedit ko pa lang. =)
gusto ko yung name na marikit :) at may pinsan ako na angelo. ang tawag sa kaniya ng gf niya dati angel. o di ba kyut? ehehe
pero starboy?! naman. haha
buti naman, di kasama pangalan ko dito. nademanda ka sana. :-)
natawa naman ako dito! haha
meron ako kakilala ang name nya...
"LUZVIMINDO"... lalake yan...
eto pa... "BJ"... as in un lang. hehehe...
chastity? hahaha. pero hindi ko talaga ugali ang manghamak ng mga pangalan. kasi.
alaskahin mo din pangalan ko
ha ha
my god, that was a funny post! hahahaha
hahaha..good one! ano real name mo coldman??...Bartolome?hehe
@ amicus: ewan ko ba, pero masagwa sa kin kung Angel ang pangalan ng lalaki. lol!
@ attorney: oo naman! Hahahaha!
@ ced: may kakilala din akong BJ. Yung kakilala mo ipartner natin ka Luzviminda. Lol!
@ abad: ang bait... =)
@ abou: ok lang name mo sa kin. la problema. =)
@ shercat: nice one! pero hindi. =)
hello mr coldman.
can you pls email aloudcloud@yahoo.com?
no, contrary to the joke i cracked in your tagboard, it's not indecent. haha.
of by the way:
i've always find double names amusing:
frannie mae
sarah jane
billy ray
etc
buti na lang maganda pangalan ko..
may kakilala akong gaylord.. pinanindigan nya pangalan nya. ayun malandi pa sya sa babae..
may pinsan din akong jhunalyn! hahaha..
at eto pangalan ng kapitbahay namin ederlyn!
putanginang yan!
whew! kinabahan ako baka nasama pangalan ko sa listahan mo! buti nalang wala haha, although di ko rin gusto yung pangalan ko. huhulaan ko yung blogger na tinutukoy mo... yoshke.
tama? bow. hehehe
hahaha unbelievable observation. Tingin tuloy ako kung andyan pangalan ko.
syet.
bahagyang kinabahan ako dun ah. hahahaha!
Note to self: wag idisclose kay Coldman ang tunay na pangalan. hehe.
oo na, baduy na ang pangalan ko!
@ loudcloud: nakakatakot ka naman! lol! ok. =)
@ ferbert: kilala mo rin pala sila. Hahaha!
@ berg: di mo gusto pangaalan mo. Hmmm.. bakit kaya? lol! Hindi si yoshke yun. =)
@ larysa: buti pala wala yung pangalan mo dyan ... dyuk.
@ bob: hindi ba bob ang tunay na pangalan mo? Hahaha! Naalala ko tuloy si Starboy! Lol!
@ jake: i like your name. =) Kamown????!
pilit pilit.
akala ko nandun ang name ko..hahaa!
Bogart-parang pang-aso
divine grace-pangalan ng hospital dito samin. hahaha!
namiss kta
starlight, skylark at clementine. parang showgirl ang dating.
Kuya! Namiss ko kakulitan mo! Natawa ako sa mga names pero tumatak sa akin yung Honey Lemon, Sweet Apple, tsaka Her Majesty. Buti na lang hindi naging Your Highness!
Nasobrahan yata sa creative juices ang parents ng mga batang ito. May tita rin ako na Baby ang pangalan. Lima sila, actually. Feeling ko lahat naman ng pamilya merong Baby na name. Hindi na iyan mawawala. For sure, marami din sa atin ang may Tito Boy!
May friend kami na ang name eh Kalikasan. Nickname niya: Likas. Medyo okay naman yung name niya kesa naman sa Dionisio Dante di ba?
kapatid ba ni Starboy si Astroboy?
sa kasamaaang-palad, Bob ang nickname ko pero iba talaga first name.
may officemate ako na Adonis, at impairness talagang Adonis ang looks in the truest sense of the word. swerte nya lang. hehe.
may kakilala ako starmars ang name, kapatid niya si star venus...
yung asawa ng friend ko naman london ang name niya at yung kapatid niya netherland naman...
ako ang name ko? ayoko ngang sabihin hahaha if i know ako yun funny ang name...
toinks... nickname ko dati nung hilig pako chat DIWATA ahahaha...
hay, kuya kakamiss kakulitan niyo. :)
pahabol.. meron pala ako classmate nung elementary Lord Ferdinand tapos last name niya Marcos...
hahaha
@ mia: napapansin ko nga, ang Bogart parang laging sa hayop. dyuk. Anyway, miss din kita. =)
@ daniel: wow, parang starlight express! lol! salamat sa pagbisita. =)
@ kei: kalikasan? parang matatalo na si Busilak nito!Hahaha! Typical yata sa pinoy ang baby na pangalan.=)
@ Adonis: este bob pala! Hahaha! Basta feeling ko kawawa ka kung adonis ang pangalan mo at di ka kagwapuhan. Asar siguro lagi. =)
@ Sexymoi: natawa naman ako dun sa Starmars at Starvenus baka kapatid sila ni Starboy! Lol!
haha ang kulet!
gusto ko namang nakakarinig ng mga mababantot na pangalan :P ang hindi ko talaga makalimutan restituta toquero. basahin mo ng malakas hehehehe :D
hahahaha. teacher ko nung college ay gaylord ang name pero sobrang cool nyang teacher ^^
may kakilala ako, ASISINTADO ang first name. hahahah! anonymous na lang muna ko, baka makilala ako. hahaha!
wee!
hahaha!
natawa naman ako dito ng bonggang bongga!
aba eh na miss ko ang mga hirit mong ganito..
kinakabahan ako habang nag scroll down, bka kasi nakasama name ko,hahaha!
July 14, 2008 9:53 AM
nakuwpo...bumalik na nga si coldman!
may kakilala ako maria millicent and pangalan.... sa million centavos daw galing...grabe ang lupit ng mundo mayaman siya sa coins...hakhak!
salamat sa pagpapatawa kuya coldman!
how does the surname NAMUKATKAT sounds to you? heheh
May kilala akong sundalo na ang apelyido ay DIMAKATAE. Talagang prinotesta nya yung apelyido nya at naka-balandra pa man din sa uniform nya yung patch na DIMAKATAE.
Inabot ng ilang taon bago inaprubahan ang pagpapalit ng apelyido.
Sa ngayon ay nakakahinga na sya ng maluwag ng mapalitan ang lumang DIMAKATAE ng bagong apelyido nya na --- MAKATAE.
Well, it's worth the wait naman di ba? Pucha! ang hirap nga naman nung unang apelyido nya.
pahabol..
yesterday, may nag patype samin ng resume ang name eh PROCELYN SOGAVO LABASAN..
haha..naalala ko etong post mo na to.
sayang ang gnda pa nman niya tpos mejo dyahe ung name niya.
alam mo ba na may post din ako na anong pangalan mo? kaya lang may abad sa umpisa.
ang saya naman nito. pangalan ng ex ko nung hyskul 'donabelle'. haha.
napakoment tuloy ako bigla. naaliw ako e.
naknangteteng dinaig pa ko sa panlalait.
yung algebra instructor ko, Bruno Antonio ang pangalan. Matagal ko nang alam na bakla sya.
pero recently lang nag-out si sir...mas lalong bumagay sa kanya yung pangalan niya.
Buti na lang maganda'ng pangalan ko!
Mabuti na lang ang biniyayaan akets ng magandang pangalan at baka napasama kets ditets.
Pero among all the Tagalog surnames na nilista mo, wala nang tatalo pa sa...
Labatete. Seryoso.
shet namiss mo ako. mas namiss kita. hayaan mo pag nagkapet ako bogart papangalan ko. hahaha
@ carlotta: restituta? kapatid ni restituto? lol!
@ coach: di ko naman akalain na nagkalat pala ang gaylord sa mundo. =)
@ anonymous: pero kilala kita.hahaha!
@ churbah: ano kaya ang real name mo? nang maisama. lol!
@ mojo potato: nabuhay ka?! a million millecent to you! =)
@ the menace: funny but endearing. lol!
@ maru: seryoso? from dimakatae to makatae? hahaha! patawa ka. =)
@ churvah ulit: mas pangit yung surname parang ang halay. dyuk. =)
@ abad: talaga lang a... ginaya ko yun. dyuk.
@ yods: donabelle?! meron din akong kakilalang relibelle kapatid ni donabelle. basta... =)
@ domjullian: uy, ngayon lang yan ulit. lol!
@ buzzing flowerpecker: ang haba naman ng name mo. lol! pero pangit talaga ang pangalan na Bruno. =)
@ empressmaruja: Hahaha! may kakilala din akong Labatete, at meron ding Poquiz. wala lang kakaiba. =)
@ mia: bogart the friendly pet! lol!
Hahaha Asar. Meron ako kakilala pangalan nyan Zosimo. Inis na inis sya sa pangalan nya.
wahahahah! coldman! soliiiid! ahahahaha. natawa ako. pag nagsimula ka mangalaska ng apilyido, isama mo yung apilyedo ng classmate ko nung grade2. :) hindi sha nagsisimula sa "di"
TARACATAC.
ahahahahah! :) naloka naman ako!
@ lawstude: parang ang "sossy mo nman"! kakaiba nga. =)
@ bloom: wag kang masyadong maloka, mahirap na. lol!
tawang tawa ako sa Her Majesty!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
hmmmmmmm. . .
hagikhik nanaman ako ng bonggang bongga!
salamat!
flyfly!
yes! pasado angpangalan kO! wala kasi sa listahan mo! haha
Ang sakit sa bangs!
Kumusta naman at ang apelyido ko ay "Dimen." Hindi mo naman ako aalaskahin no? Haha.
the best. haha. link kita. :)
anyway, ung kaklase ko nung high school pangalan nya, PAGASA LANDAS. Astig no? pero in fairness ok naman ung apilido nyang Delos Santos. la lng share ko lang.
isali mo na rin ang boyax, gardo, restituto, primitivo, gerlie, kirara marie, at adagulfa.
sa apelyido naman: Boaya, Dacuycuy, Katulong, Asido, Dalugdug, Quilatan.
noong grade school ako magkatabi ang classroom ni mrs. dalugdug at mrs. quilatan. ang ibig sabihin ng mga apelidong yan ay thunder at lightning. sosme. haha
naisip ko lang: kung yung si "her majesty" ay nakapangasawa ng apelidong katulong. anong labas? haha
at magco-comment ulit ako,
gago tong si berg ah. sinuggest pa pangalan ko. haha. pero pen name lang naman yun at yun yung tawag ng mga Jewish people ke Jesus kaya yun yung pen name ko. haha, nag-explain pa.
ang hirap magbackread. haha, pero fun.
Post a Comment