Google

Monday, October 29, 2007

Who would you rather date with?

Isang nilalang na di ka sure kung sya ba ay boy or girl




Isang babaeng sweet makatingin na medyo kamukha ni Odette Khan.






Isang medyo conversative na babae na may sakit na goiter





Disclaimer:If you own rights to any of these pictures and do not wish them to publish here, please contact me (Please lang sa susunod wag mag-pose ng ganito) joke lang po.

Read More......

Saturday, October 27, 2007

Bad trip

Putik talaga, di ako marunong magmura pero napamura talaga ako kanina, pag minamalas ka nga naman. Ang pinakamamahal kong kotse ay nabangga. Ang bad trip pa nun , kasalanan ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako at di ako nasaktan at di rin sila nasaktan, at least sa harap lang yung yupi, pero gastos pa rin ito.

Sorry, di muna ako makakapag-joke ngayon. Ni hindi nga ako makangiti.

Magpapalamig muna ako.

Read More......

Friday, October 26, 2007

Totoo ba?

Birthmonths and their meanings:


January: seloso/selosa, masarap magmahal

February: mahirap mahalin, moody, katok

March: sweet, may konteng arte, seloso/selosa

April: pasaway, makulet, simpleng malibog

May: honest, medyo boring, pwede na

June: lover, user, playgirl/playboy

July: serious, sweet, lover, intelligent, masarap mahalin, may sense kausap

August: stick to one, tama lang

September: takot magmahal at masaktan, simpleng malibog

October: di kontento sa isa, bolero/bolera, mapagbigay

November: mahilig sa sex, pwede!

December: mapagmahal, mahilig mangaliwa

Ahemmm...Di naman obvious kung anong birthmonth ko. Tama ba yung sa inyo?

Read More......

Wednesday, October 24, 2007

Ano bang meron?

Matanda na ba ako? Nagulat kasi ako pagbukas ko ng preynster halos lahat sila nakaganito! Ito ba ang "IN" ngayon? Meron din ba kayong pic na naka.....




What da? Ano ito pahabaan ng dila?O ito ba ang bagong seductive look? Hmmmm... Kailangan na nating mag-pose ng ganito para maging "IN"! Join na! Hahaha!

Read More......

Sunday, October 21, 2007

I decide.


All of the attachments I have with this world of ours maybe of no sense at all, I choose to reflect on the attachments of my physical body to my spiritual soul and towards my moral self.

For it may seem nothing could last in this world. But it really doesn't matter anyways. For what is important for me is what will last in my heart. And I want happiness to stay in my heart forever. For I refused to be lonely. Even if everybody seems to come and go, I will always have a piece of that person inside of me.


And I have this really weird feeling that everything happens for a reason. Even the loneliest of events happens for a very good reason. I choose to believe. For I choose to be happy. I will never dwell on my past mistakes but rather learn and go on. For I've loved and lost, lived and learned. But still, I won't give up. For I refuse to be lonely.


And I may be senseless, I am meaningless. But I refuse to make myself trivial, for I am significant. These words have no meaning. No sense, no direction. Meaningless. But not me. For I refuse to be lonely.


And though my refusal is futile, I will never give up.


I choose to be happy.

Read More......

Friday, October 19, 2007

Pic of the day

What went wrong?


a. Sa lakas ng pagtapon sa ere at paulit-ulit na pagtumbling ay nahilo sila.

b. Sadya talagang ganun ang spelling ng skul nila kaya ganun na lang kamahal ang tution fee dito.

c.Hindi ito tototo. Photoshopped lang ito tulad ng kay Angelica Panganiban.

d.Hindi ito yung skul sa may Taft. Bagong unibersidad ito.

e. Magbibigay ako ng sariling sagot.

Read More......

Thursday, October 18, 2007

Anak ng Tinapa

Mahimbing ang tulog ko kagabi. Sa lalim ng aking pagkakatulog ay nanaginip ako tungkol sa tinapa. Ganun ba yun? Kailangan mo talagang mapanaginipan? Kailangan ba talagang magparamdam ng tinapang yun na parang multo para maalala ko sya?

Hey coldman! Bakit di mo na ako kinakain? sabi ng tinapa

Ha? Parati kasi ako sa labas kumakain. sagot ko

Nagtatampo na ako dahil isang taon mo na akong di tinitikman...

At doon na lang yun nagtapos.

Naalala ko pa noong estudyante pa ako, lagi kong merienda ang lucky me pancit canton.(sponsor1) Sino ba sa atin ang di nagdaan sa pagkaing ito lalo na pag nagaaral ka o kaya yung Century tuna (sponsor2) at Argentina cornbeef (sponsor3), mga ulam na madaling ihain. Kaya siguro ako nagsawa sa kanila, amoy pa lang minsan nauumay na ako.

Mabalik tayo sa nagsasalitang tinapa. Nagising na lang ako na may tampo ang tinapa sa akin. In fairness naman sa kanya di ko naman sya madalas kainin, kaya ayun bigla akong nag crave sa tinapa.

After work, duman ako sa palengke at naghanap ng nagtatampong tinapa. Halos maluha-luha ako ng makita ko syang nakabalot sa yellow pages.

Sa wakas, after one year matitikman ulit kita!

Mmmmmmm... masarap ang dinner ko ngayon. Samahan mo pa ng kamatis, maiinit na kape at ubas on the side. Siguradong solve na ako! ( makakailang kanin na naman ako nito)



At bigla kong naalala isang kanta sa Batibot- "Tinapang bangus, tinapang bangus, masarap ang tinapang bangus".........


Di pala ito bangus, galunggong pala ito. "Tinapang galunggong, tinapang galunggong, masarap ang tinapang galunggong" Ang sagwa!

Read More......

Tuesday, October 16, 2007

Pic of the day

Spot the sleepy student and I will treat you on my next vacation! Libre lahat!

Type rest of the post here

Read More......

Monday, October 15, 2007

Lost Season 4

Asan na ba yun? Alam ko dito ko lang yun nilagay. Hinalughog ko na ang buong pad na tinitirhan ko- bawat cabinet at drawer , bawat libro at appliances, kulang na lang e bunutin ko mula sa lupa ang buong bahay at itaktak nang patiwarik, baka sakaling malaglag ang hinahanap ko mula kung saan. Nawawala ang capo ng gitara ko!

At tulad ng CD ng Eheads, susi ng locker, swiss knife at iba pa, kailangan ko na atang tanggapin na hindi na kami muling magkikita pa ng capo ko. May idadag na naman ako sa listahan ng mga bagay na pinabayaang maligaw ng landas ni coldman. Panibagong kukurot-kurot sa puso ko kapag umaga at magmumulto sa mga panaginip ko kapag gabi.

Ang problema kasi sa akin, animo may sariling isip ang kamay ko. Alam ng utak kong ang isang bagay, dapat ilagay kung saan siya dapat ilagay. Pero ang aking walanghiyang kamay, kung saan-saan nilalapag ang hawak ko. Tuloy, lumilipas ang mga araw na panatag ang loob ko na andun lang yun.

Eto pa ang masakit, pati ba naman sa mga bagay na to kailangan ko na namang mag "let go".

Sobra na.

Ang capong yung walang isip. Ang tao, meron. Kapag nawala ang isang tao sa buhay mo, dalawa kayong nagiisip. Hindi mo alam kung ano ang iniisip ng kabila. Pero kapag bagay ang naiwala mo, alam mo na kung ano, kasi wala. At oras na ang isang bagay na nawala ay bumalik, walang dudang itatago mo na ito at pag-iingatan. Samatalang kapag ang isang taong nawala ay bumalik, aba, panibagong usapan yan.

Ang pagkawala ng mga gamit ay isa sa mga hindi ko maaring makasanayan. Bawat bagay ay may halaga; bawat pagkawala ay panibagong pagsubok sa determinasyon kong maghagilap.

Pahaba nang pahaba ang listahan ko, malabong mabawasan at umiksi. Maari kong makalimutan kung ano ang tatak ng capo ko, kung aling kanta ang una kong natugtug gamit ito, o kung saan ko ito huling napagmasdan, pero habambuhay nang nakaukit sa isip kong naiwala ko ang isang bagay na mahalaga sa akin, at maaring pati sa ibang tao.

Yun ang masakit, dahil hindi lahat ng naiwawala, naibabalik.

Read More......

Saturday, October 13, 2007

Project Lafftrip Laffapalooza

Tutal at naimbitahan ako ni (kuya) Badoodles na sumali sa project na ito at medyo humorous (daw) ang blog ko. Sige na nga (napilitan?)Hahaha! Sa pagkakaalam ko, nag-umpisa ako sa madramang entry: letting go..move on...acceptance...Hahaha. Ibig bang sabihin nito, e magbabagong anyo ang blog na ito? Di pa rin! Mix emotions pa rin ang magiging post ko dito- happy, sad and libog! hahaha!

Bukod sa aking blog ito pa ang 3 lagi kong binabasa dahil sobrang enjoy ako sa mga post nila:

1.http://www.kwentongtambay.com/- si kuya batjay na ata ang pinaka- dabest sa akin pagdating sa mga kwentong kabulastugan. Simple ang banat pero may dating. Tumatawa na lang akong mag-isa pag binabasa ko mga entry nya. Kaya di nakapagtatakang siya ang one of the best blog nung 2004 and 2007. Mabuhay kuya batjay!

2.http://engengz.blogspot.com/ - syempre, aliw rin ako sa entry ng kaibigan kong ito, kahit na lang ano pinagsusulat pero siguradong mapapangiti ka, kahit minsan medyo green iba pa rin ang banat.Hahaha! Siya yung mga unang nag-comment nung naguumpisa ako. Astig ka bro!

3.http://www.misterhubs.blogspot.com/- sino bang hindi nakakakilala kay misterhubs sa atin, isa sa mga pioneer dito kasama si migs. Aliw ako sa pagbabasa ng mga post nya. Kahit di siya bumibisita dito, e sa gusto kung basahin ang blog nya e, kasi naaaliw ako. Ang daming prens ng taong ito kasi daming comments!Hahaha! Kung pwede lang apat- inonominate ko sana si loud cloud aka http://www.verbosecity.blogspot.com/ dahil masyado akong nawawalan ng dugo sa sobrang nosebleed sa blog nya.Hahaha!

Join the fun! Ipamalita ang mga makukulit na blogs na lahing kayumanggi!
Bisitahin nyo ang isa pang idol sa kabulastugan:http://kwentongbarbero.com/

Read More......

Friday, October 12, 2007

Pic of the day

Vaka gusto nyo munang fumasyal fara di mainitan, Fwes sumakay muna kayo dito... Ooops.. Vawal fala... Hahahaha!

Read More......

Flatliners


Uy musta?

Ba, deadma ang ugok. Maulit nga baka di lang ako narinig.


"Mmmm... mukhang tahimik ata tayo ngayon!?"

"A....mmmm.. yun lang sagot nya.

Yun na. Isa syang flatliner.


So paano ba i-handle ang mga "flatliners" na tao? Flatliner kase, iisa lang ang tinatakbo ng usapan pag kausap mo sila. Para kang nakikipagusap sa tuod, sa walang dila. Para silang patay na linya, flat, droning, monotonous and dull. Sa madaling sabi, isang nakamamatay na katahimikan na di mo malaman kung saan at paano magwawakas.


Sabi nga nila, it's about speech and silence. "We feel safer with a madman who talks than with one who cannot open his mouth".


Totoo naman to. Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga taong mahilig makipag-usap o kaya and isang emotional and transparent na tao o kaya yung sobrang showy na tao kesa ang isang taong na sobrang malihim at sobrang bilang na bilang ang mga salita. Kase kahit papaano, sa madaldal na tao, hindi ka maninibang, hindi ka parating mag-iisip at higit sa lahat hindi ka manghuhula kung bakit sya ganyan.


Pwede kang mabato at maburat sa isang madaldal na tao o kaya maiinis dahil ultimo kaliit-liitang sikreto ay kinuwento na sa iyo pero wala ng mas titindi pa sa pakiramdam kapag ang kausap mo ang taong bato.


So para matapos na to, may solusyun akong naisip- confrontation! Masyadong malakas ang dating ng term na yun, pero ang ibig ko lang sabihin dun e "pagtatanong". Ano ba ang problema? bakit di ka sumasagot.... mga ganong tipo.


Hahaha, baka mapa-away ako ng di oras.



Read More......

Thursday, October 11, 2007

10 Things Men are Afraid of

Para lang ito sa mga GENUINE na Adan! hahaha! Pero kung makakarelate kayo- mas masaya!

Nabasa ko ito kay Maximus Rex II aka Badoodles (astig ito!)




1. Lola na naka-plunging neckline at naka-sexy shorts na pagala-gala sa mga malls.


2. Maging shaggy hair. ‘Yung sa gilid na lang ng ulo tinutubuan ng buhok.


3. Babaeng palaka. Palakain. Palautos. Palasaway. (Palakan… , hinde nakakatakot ‘’yun, okay ‘yun)

4. Hindi na tigasan ang pototoy.


5. Malaman na kumerengkeng sa iba ang asawa nila.


6. Thinning hair. Ang pagnipis ng buhok na kelangang suklayin lengthwise na parang si Donald Trump ng The Apprentice.


7. Matinik sa lalamunan at mamatay sa katakawan.


8. Makatanggap ng death threat habang nagmamasturbate.


9. Mabulag dahil sa kaka-masturbate.


10. Ma-basted.

Read More......

Wednesday, October 10, 2007

Close your eyes




It's 2 am.....




Silence.




I stared at the ceiling hoping it would give the right dose to put me to sleep. But all I got were stinging eyes and a stiff-neck. I tossed and turned on my creaky bed wishing to find my rest. For a moment I tried to be still. I had indulged into thinking that I was no longer a human being but a moldy-rickrack stuck on the lattice waiting to disintegrate. Yeah, that's the exact word.... waiting to disintegrate.




I kept thinking a lot of things- dreadful, pathetic, subversive, absurd, all of which were crazy. I dont even know where some of them are coming from. They are just there hanging by a moment and then they're gone, just like that.




I counted sheeps. 1, 2, 3......... I'm thinking also of something else, but I'm not horny.




Sometimes, silence could be a good thing to have around. It's so peaceful. I feel I own the world. But it could be disturbing too. Silence confirms that you're alone. It's troubling because it intensifies loneliness. I get crazier when I'm lonely.




From there everything stopped. Alarm....snooze.....alarm.... snooze.....




Darn, it's 8 am. I'm late.




Read More......

Monday, October 8, 2007

Goriest Films


Naranasan niyo na bang manood ng movie na ito na parang pipikit ka na lang dahil ayaw mong tignan....


1. Hills Have Eyes 2

2. Saw series

3. Hostel

4. Kill Bill series

5. Texas Chainsaw Massacre

6. American History X

7. Passion of the Christ

8. Final Destination series

9. Saving Private Ryan

10. Braveheart

11. Andalusian dog

12. Schindler's List

13. Hannibal

14. Evil dead

15. Caligula



Want to add?


Sa mga mahihina ang sikmura, manood na lang ng love story......

Read More......

Saturday, October 6, 2007

Happy, it's so nice to be happy!



Despite all my rage and loneliness this past few days, there's a reason to be happy.

Yeah! God is good.


Another promotion for me!

Konsensya:Promoted ka nga, wala namang lovelife!
Ako: E ano naman ngayon?! (bitter!?hahahaha)


Basta, masaya ako ngayon! Celebrate with me!

Read More......

Friday, October 5, 2007

Stubborn


I am at a place where many others have been. Before me are roads leading outward, some running into each other, and the world is in front of me asking me to choose.
I took the road less traveled by and that has made all the difference…



A year ago I was faced with a situation where I had two choices: to fight or to let go. I chose to let go, and broke my own heart in the process. I chose to let go and I tried to move on. I thought, if I change myself on the outside as well as on the inside, I would protect myself somehow and not get hurt again. I thought it worked. I felt stronger and I realized my own power. I thought I had moved on.



But I don’t think I ever really did. Because if I did, I wouldn’t be where I am now.



It took a lot of courage to move forward, to change, to grow. A chance meeting, a surprise encounter made me stop and reconsider. I wanted to make things right, for us both to move on and be friends again. I thought I was doing the right thing.



I’ve found out only recently what I’ve been trying to deny myself all along. I’ve found out that even after a long time, nothing really changes. Sometimes you never stop caring for the person who hurt you the most and you are always willing to forgive.




I still remember the choice I made, and it was painful, to say the least. It was numbing. I became angry and distrustful and my eyes grew hard. I have a look people who knew me then hardly recognize now. But lately I’ve walked into a time warp. I almost believe that anything can happen, that love is still possible, that I, we could be happy … Is it? And should I believe?



Maybe there are no choices before me after all. Maybe they’ve been made already. Maybe I’m making a mistake by even considering this … But if the choices really exist, if I have to choose again between fighting and letting go, what do I do? What do I choose?



I can’t see past the roads, and I can’t see where they take me. But I made a firm choice already, so I deserved what I feel right now.




There is no turning back. Yes, I am stubborn.

Read More......